Isang istorya tungkol sa wagas na pag-ibig na agad natapos ang nagpapaluha ngayon sa maraming netizens.
Hindi na nabigyan pa ng mahaba-habang pagkakataong magkasama at makabuo ng malaking pamilya. Ang apat na buwan pa lamang na bagong mag-asawa.
Ito ay dahil sa hindi inaasahang pangyayari na naging dahilan ng kanilang panghabang buhay na hiwalayan.

Sa ulat ng Philippine Star, ibinahagi nila ang nakakalungkot na istorya nina Roanne at Ronnie Madredeo. December 18 nakarang taon nang maganap ang masalimuot na pangyayari.
Maghahanda lamang daw ng kanilang agahan noon si Ronnie, nang biglang sumab06 ang kanilang LPG tank. At nagresulta ng sun06 sa first floor ng kanilang kabahayan.

Ibinahagi naman ni Roanne ang mga huling sandali ng kanyang mister. Na siya pa din ang inalala kahit nahihirapan na ito sa kanyang sitwasyon.

“He was already burned pero nagawa niya pa din umakyat to check on me, kahit naghahabol na siya ng hininga,” pagbabahagi ni Roanne.

“Ang sinabi nya po sa akin habang nakahawak sa pisngi ko ‘Beb, okay na ako. Basta alam kong okay ka at walang nangyari sa’yo, masaya na ako. Kahit anong mangyari, masaya ako,’” dagdag pa nito.

Maraming netizens naman ang agad napaluha sa kwentong ito ni Roanne. Marami din ang na-touch dahil hanggang sa huling sandali ay nanaig ang pagmamahal ni Ronnie para sa kanya.

August 29, 2021 nang ikasal sina Ronnie at Ronnie .
The post Kwento ng isang misis tungkol sa huling sandali ng kanyang mister dumurog sa puso ng mga netizens appeared first on Pilipinas Trending.
Kwento ng isang misis tungkol sa huling sandali ng kanyang mister dumurog sa puso ng mga netizens
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment