Ngayong isa na siyang Kapamilya star, isa si Janine Gutierrez diumano sa pinagpipiliang gaganap bilang Valentina.
Kamakailan nga lamang ay isinapubliko na ang mga artistang kasama sa casting ng Darna TV series ng ABS-CBN. Na pinagbibidahan ni Jane De Leon bilang Darna.

Puro mga bida pa lamang ang ipinakilala sa madla at wala pang detalye sa mga villains o makakalaban ni Darna.

Alam naman ng lahat na ang pinakamatinding kalaban ni Darna ever since ay si Valentina. Kaya naman inaabangan ng marami kung sino nga ba ang gaganap sa karakter na ito.

Nang mga unang araw na lumipat si Janine Gutierrez sa Kapmilya from Kapuso network ay isa na siya sa mga napipisil bilang Valentina.

Sa kanyang pagdating sa bakuran ng ABS-CBN ay inaasahang makakagawa siya ng mga dekalibreng teleserye na paniguradong mamahalin ng televiewers.

Sa pagsalubong sa kaniya ay sinagot ni Janine ang ilang mahahalagang katanungan na ipinukol sa kaniya ng mga press.

Nang tanungin naman siya patungkol sa pagkakapili sa kaniya ng Netizens bilang gumanap na Valentina sa upcoming SuperheroSerye na Darna ay bukas umano siya sa posibilidad na ito.

““It’s so interesting to me. Of course I’m a fan of Darna. I’m a fan of all the old films. Actually parang meron akong napanood before na iyong lola ko, nag-Valentina, e. So it’s interesting,” saad ng aktres.

Gumanap na Valentina sa pelikulang Darna: Ang Pagbabalik ni Anjanette Abayari noong 1994 si Pilita.

Dagdag pa niya, “Siyempre flattered ako na nakikita ako ng ibang tao na mapasama sa ganoong klaseng proyekto, so I don’t know, we’ll see.”
Sa ngayon ay bida si Janine sa seryeng pinagtatambalan nila ng aktor na si Paolo Avelino.
The post Janine Gutierrez napipisil na gumanap bilang Valentina sa Darna TV Series ng ABS-CBN appeared first on Pilipinas Trending.
Janine Gutierrez napipisil na gumanap bilang Valentina sa Darna TV Series ng ABS-CBN
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment