Kahit bahay kubo lang ang kanyang tirahan basta’t kasama si Philmar Alipayo ay ayos na kay Andi Eigenmann.

Sa latest vlog ng ‘The Happy Islanders’ ay namasyal ang buong pamilya. Nag stay sila sa Pacifico sa Siargao.

Sa paglibot nila sa isla ay nakakita sina Andi at Philmar ng isang bahay kubo.

At dito ay bigla na lamang namutawi ni Andi na handa umano siyang tumira sa maliit na bahay. Basta si Philmar pa rin ang kasama niya sa panghabang buhay.

Tila kinikilig na sagot naman ni Philmar ay hindi sila pepwede sa maliit na bahay kubo. Dahil aniya gusto pa niya ng tatlo pang anak.

At hindi sila kakasya kung sa maliit na bahay lamang sila maninirahan.

Maraming netizens naman ang natuwa sa usapang ito ng engaged couple. May ilan pang pumuri kay Andi.

Ani ng ilan ay sanay na sanay na daw talaga ang dating aktres na mamuhay na lamang ng simple. Kaya kahit sa maliit na bahay ay ayos na ito.

As long as kasama niya ang kanyang pamilya. May mga nagsabi naman na nakakatuwa ang naging tugon ni Philmar. Na mukhang gustong bumuo ng basketball team.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Natawa ko sa tatlo pang anak si philmar hindi na kasya sa kubo na bahay..sweet ni andi ok na sya sa maliit na kubo basta ksama si papa philmar nya”

“Mukhang kinilig si Philmar kaya humihirit pa ng tatlong anak”

“Sobrang simple na lang talaga ni Andi kahit sa maliit na bahay okay na siya”

Sa ngayon ay may sarili ng bahay sina Andi at Philmar sa Siargao. Naudlot lamang na gawin nilang Bed and breakfast ito dahil sa pandemya.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang video:

The post Andi Eigenmann ayos lang tumira sa maliit na bahay kubo as long as si Philmar Alipayo ang kasama appeared first on Pilipinas Trending.



Andi Eigenmann ayos lang tumira sa maliit na bahay kubo as long as si Philmar Alipayo ang kasama
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment