Napamahal ng husto ang sikat na R&B singer/songwriter na si Brian McKnight sa Pilipinas.
Isa na rin sa dahilan ay ang kanyang asawang Pinay.
Sa panayam sa American singer, sinabi nito na hindi niya akalain na magkaroroon siya ng ‘true love’, at nagkataon pa na ang kanyang naging partner for life ay isang Pilipina.
Sinabi niya ito nang maitanong kung bakit madalas ang kanyang pagpunta sa bansa.

“…because my wife is Filipina. Oh, you didn’t know that? Now that makes me Filipino,” saad ni Brian.

Si Brian ay ikinasal sa kanyang Filipina-American na asawa na si Dr. Leilani Malia Mendoza noong ika-1 ng Enero 2018.

Ang kanilang pag-iisang dibdib ay naganap sa Oheka Castle Hotel & Estate sa Huntington, New York City.
View this post on Instagram
Samantala ipinagmamalaki naman ni Brian ang lugar ng kanyang asawa sa Pilipinas, at ito nga ay ang Plaridel, Bulacan. Ayon nga sa sikat na singer, labis ang kanyang kasiyahan na isang Filipina ang kanyang naging katuwang sa buhay.
View this post on Instagram
At dahil din sa maybahay, maging ang panlasa ng singer ay Pinoy na rin, madalas ay kumakain ng pansit, adobo at longganisa.

“Well, I guess now its starts with my wife and her family. Being married to a Filipina is a fantastic thing. My love for Filipino food has gone through the roof.”, ani Brian.


Madalas ngang sabihin ni Brian kung gaano niya kamahal ang Pilipinas, lalo na nga ang mga Pinoy niyang tagahanga na walang sawang sumusuporta at tumatangkilik sa kanyang mga musika.
View this post on Instagram
The post Batikang Hollywood singer na si Brian McKnight, isa palang Pinay ang kanyang napangasawa. appeared first on Pilipinas Trending.
Batikang Hollywood singer na si Brian McKnight, isa palang Pinay ang kanyang napangasawa.
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment