Itinanggi ng Kapamilya actress na si Heaven Peralejo na may relasyon sila ng vlogger na si Kimpoy Feliciano.
Ito ay matapos maghinala ng publiko na nagkakamabutihan na ang dalawa. Nabuo ang haka-hakang ito dahil sa post kamakailan ni Kimpoy sa kanyang social media accounts.

Binati niya kasi si Heaven sa nakaraang birthday nito at pinasalamatan niya ang aktres sa pagdating nito sa kanyang buhay.
View this post on Instagram
Sa comment section naman ay “Luv u forever beh!!!” ang mensahe ni Heaven. Kaya naman inakala ng marami na may relasyon na silang dalawa.

Samantala, sa interview ni Heaven sa YouTube channel ni Darla Sauler, sinabi nitong magkaibigan lamang sila ni Kimpoy.
Matapos umano ang mga past relationships niya ay hindi pa siya handa na muling pumasok sa isang relasyon. Gusto daw muna niyang mag focus sa kanyang sarili and to love herself more.

“Single ako pero not ready to mingle. ‘Yung kay Kimpoy guys, masaya lang din na nagkaroon talaga ako ng kaibigan sa showbiz. Thankful kami sa isa’t isa na finally nakahanap ka rin na kaibigan talaga na lumalabas kahit hindi magkasama sa work,” ani Heaven.

“So ‘yung amin talaga ni Kimpoy, ‘yung pagmamahalan namin, hanggang best friends lang okay? Masanay na kayong may kaibigan akong lalaki,” dagdag pa ng aktres.

Sa huli saad pa nito, “Guys alam niyo, magpahinga rin kayo okay? Magpahinga kayo sa kaka-bash sa akin. Sabi ko nga sa inyo, single ako pero not ready to mingle. Huwag tayo mag-assume at gumawa ng issue na wala naman talagang issue. Christmas na oh. Dapat happy, happy.”

Panoorin dito ang kabuuan ng usapan nila ni Darla:
The post Heaven Peralejo sinabing magkaibigan lang sila ng vlogger na si Kimpoy Feliciano appeared first on Pilipinas Trending.
Heaven Peralejo sinabing magkaibigan lang sila ng vlogger na si Kimpoy Feliciano
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment