Ngayong buwan ng desyembre, dapat ay nagsasaya tayo para sa papalapit na pasko ngunit hindi talaga natin nalalaman kung ano ang paparating. Ang mag-asawang Andi Eigenmann at Philmar Alipayo ay huimihingi ng panalangin sa kanilang sitwasiyon na dulot ng bagyong Odette.

Si Andi Eigenmann ay piniling manirahan sa siargao, tinalikuran ang kaniyang buhay sa malaking syudad ng maynila bilang artista. Ang kaniyang kinakasama ngayon ay ang Filipino Surfer na si Philmar Alipayo. Sa ngayon mayroon silang anak na si Lilo at ang anak ni Andi sa kaniyang former boyfriend na si Ellie.

Nito lamang December 16, 2021, ramdam ang hagupit ng bagyong Odette. Marami ang apektado ng malakas na hangin at mabibigat na ulan, lalong lalo na sa maraming parte ng Mindanao. Mas apektado ngayon ang Siargao kung saan ang tahanan nina Andi na siyang kinauupuan ng bagyong odette.


Nagbahagi sila ng mga litrato kung saan kitang kita ang iniwang hagupit ng bagyong odette. Tumbang mga kahoy at poste na siyang naglagay sa kanila sa kapahamakan.


“Please pray for Siargao,” ani ni Andi. Dagdag pa niya, “Bali na kahoy sa front ng bahay namin.”

Sa IG story din ni Philmar ani niya, ““No more signal sa isla. Please pray for my island home siargao,”

Sa ngayon nasa manila sila kasama ang kanilang mga anak upang makaiwas narin sa maaari pang masira ng bagyo.
The post Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, ibinahagi at nanghihingi ng panalangin sa sitwasiyon nila sa Siargao sa hagupit ng bagyong Odette! appeared first on Pilipinas Trending.
Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, ibinahagi at nanghihingi ng panalangin sa sitwasiyon nila sa Siargao sa hagupit ng bagyong Odette!
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment