Muling nakasama ng aktor na si Cesar Montano ang kanyang mga anak sa dating asawa na si Sunshine Cruz.
Matapos ang matagal na panahon, ngayon na lang ulit nakasama ni Cesar ang kanyang tatlong nag gagandahang anak.

Opisyal na nag file ng annulm3nt noon ang aktres noong 2014 matapos silang ikasal noong 2000. Taong 2013 pa lamang ay umusbong na ang usapin na nagkaroon ng aff4ir si Cesar sa isa pang aktres na si Krista Miller.

Nabigyan bisa naman ang pormal na paghihiwalay ng dalawa noong Septermber 18, 2018.

Sa ngayon, parehas nang tahimik ang dalawa sa naging mahabang proseso ng kanilang hiwalayan. Pag dating naman sa kanyang mga anak, hindi maitatanggi na minsan lang din makasama ni Cesar ang tatlo.

At nito ngang nakalipas na araw, muling nagkaroon ng pagkakataon ang ama nila Chesca, Samantha at Angelina na makasama ang mga ito.

Sa naging Instagram story ng panganay na si Samantha, makikita na nakasalo nila sa hapagkainan si Cesar. May hawak pa silang wine glass na tila small celebration para sa kanilang reunion mag-aama.

Dahil dito, natuwa naman ang mga netizens dahil binigyan ulit ni Cesar ng oras para makasama ang kanyang tatlong anak.
The post Cesar Montano nakasama muli ang mga anak ng dating asawang si Sunshine Cruz appeared first on Pilipinas Trending.
Cesar Montano nakasama muli ang mga anak ng dating asawang si Sunshine Cruz
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment