Ibinahagi ni Dennis Padilla na matagal na niyang ninanais na makatrabaho ang anak na si Julia Barretto.
Sa naging panayam kay Dennis ng PUSH, sinabi nito na masaya siya para sa panganay na anak kay Marjorie Barretto.

Dahil ngayon ay nasa pangangalaga na rin ito ng Viva Artist Agency. Ito ay matapos magsara at mawalan ng prangkisa ang mother network nito noon na ABS CBN.

Ngayong parehas na sila ng management ay baka raw matuloy na ang dati pa niyang pinapangarap. At ito nga ay makasama sa isang proyekto ang anak.

“Happy ako na nasa Viva Family na si Julia”

“Siyempre you have to move on, kasi siyempre nagsarado ABS-CBN, so kailangan mo magtuloy ng paghahanap buhay.”

Ang mas lalong nagpasaya pa sa kanya ay ang malaking chance na makatrabaho na niya si Julia.

Ani Dennis, “Alam mo dream ko ‘yun. Kasi halos lahat ng bida na babae naging anak ko na. Naging anak ko na si Toni Gonzaga, naging anak ko na si Sarah Geronimo, naging anak ko na si Erich Gonzales, naging anak ko na si Kathryn (Bernardo), sino pa ba? Lahat na halos ng lead actress naging anak ko na.”

“Yung tunay na anak ko na lang hindi ko nagiging anak sa isang movie or sa isang teleserye. So dahil nasa Viva na kami pareho, the chances are bigger. Masaya ‘yun. I believe aabangan nila ‘yun dahil tunay na magtatay, lalabas din sa project,” dagdag pa ng komedyante.
Well, kaabang abang din kung magsasama na talaga ang mag-ama sa isang proyekto diba?
The post Dennis Padilla pangarap na makasama sa isang proyekto ang anak na si Julia Barretto appeared first on Pilipinas Trending.
Dennis Padilla pangarap na makasama sa isang proyekto ang anak na si Julia Barretto
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment