Hindi lahat ng gusto ni Scarlet Snow Belo ay ibinibigay sa kanya ng kanyang mga magulang.
Ito ang inamin ng kanyang mommy na si Dra. Vicki Belo sa naging one-on-one interview nila ng talent manager na si Ogie Diaz.

Sa nasabing interview ng dermatologist, nag bahagi pa siya ng pangyayari kung saan kinailangan niyang tanggihan si Scarlet na bilhin ang lahat ng gusto nito.

Mahilig mag travel around the world ang mag-asawa kasama ang kanilang anak. Mayroon daw pagkakataon na pumunta sila sa Paris at unang pinuntahan ng pamilya ay ang luxurious brand stor na Hermes.

Pagkapasok daw nila, may mga nagustuhang scarves si Scarlet na agad niyang tinanong kung pwede ito bilhin para sa kanya.

Hinayaan niya daw mamili si Scarlet ng isang gusto pero may nakita pa ulit ito na gusto din bilhin.

“‘Mommy can I buy this book?’ so I said, ‘Scarlet, you know, this is not a toy store. Diba bags and leather goods.’ So sabi ko, ‘No, you can’t.’ I said, ‘Darling, we don’t have the money to buy all of this. I can buy you one thing, you choose.’ Tapos bigla na lang siyang umupo, gumanun, tapos she goes, ‘Daddy I want to buy so many things but I don’t have the money. I won’t look na lang.'”

Pagbabahagi ng doktor, kaya naman daw niya ibigay ang lahat sa anak pero gusto niya itong matuto sa buhay.

“Everything I wanted, they would give. Nahirapan ako in life in the future kasi I thought I’m so loveable kasi my parents loved me so much. When you meet the world and the world doesn’t love you, not like your parents.”
The post Dra. Vicki Belo tinitiis pa din ang anak na si Scarlet Snow na hindi ibigay ang lahat ng gusto appeared first on Pilipinas Trending.
Dra. Vicki Belo tinitiis pa din ang anak na si Scarlet Snow na hindi ibigay ang lahat ng gusto
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment