Masayang ibinahagi ni Lyca Gairanod ang naipatayo niyang bahaya para sa kanyang pamilya na malapit sa dati nilang tirahan.

Matapos manalo sa The Voice Kid PH, natulungan ni Lyca ang kanyang pamilya. Lalong lalo na ang magkaroon sila ng maayos na tirahan.

Ayon kay Lyca, malapit lang ang nasabing bahay sa kung saan siya lumaki kasama ang kanyang lola at ibang kamag-anak.

“Pinagawa ko ‘tong bahay na ‘to para may matutuluyan kami ng mga family namin just in case makita ulit namin ‘yung bahay namin. Nandiyan lang din ‘yung bahay namin. Malapit lang din. Konting lakad lang,” ani Lyca.

Bagama’t simple lang ang bahay na ipinagawa ni Lyca, sinabi ng dalagang singer na plano pa umano niyang ipaayos ito.

“Plain man ang bahay na ito, hindi man kalakahihan, at least nakakapagpahinga tayo ng maayos and okay naman itong bahay na ‘to. Actually, may mga plans pa ako sa bahay na ‘to. Soon malalaman niyo din,” saad niya.

Ikinuwento din ni Lyca na binibisita siya ng kanyang lola sa kanyang ipinagawang bahay tuwing gusto nitong magpahinga.

“Minsan dito si Lola nag-sstay ‘pag gusto niya magpahinga ganu’n. Minsan lang siya napunta du’n sa bahay kasi ‘di pa naman tapos ‘yun.

Nakwento rin ni Lyca na walang banyo ang dating bahay nila kaya dagat ang takbuhan nila kapag tinatawag na ng kalikasan.

Ayon pa sa dalaga, kung hindi pinalad na manalo sa The Voice, marahil nangongolekta pa rin umano siya ng basura para magkapera hanggang sa ngayon.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang video:

The post Lyca Gairanod proud na ipinasilip ang simpleng bahay na naipatayo niya para sa kanyang pamilya appeared first on Pilipinas Trending.



Lyca Gairanod proud na ipinasilip ang simpleng bahay na naipatayo niya para sa kanyang pamilya
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment