Naalala niyo pa ba ang telenovela na Marimar?

Ang iconic telenovela na ito ay orihinal na nag mula sa Mexico. Nagkaroon din ito ng Philippine adaptation noon.

Kung inyo pang matatandaan, ang aktres na gumanap sa leading role na Marimar ay ang Mexican Singer-Actress na si Thalia.

Siya ang bumihag sa puso ng maraming manonood noong dekada ‘90s kung kelan ipinalabas ang naturang show.

Hindi maitatanggi ang natural na kagandahan at alindog ng hugis ng pangangatawan ni Thalia noon. Isa din ito sa dahilan kung bakit tumatak sa marami ang kanyang karakter.

Ilang taon na ang nakalipas mula nang maipalabas ang Marimar pero hanggang ngayon ay marami pa din ang nakakaalala sa istorya at mga artista na gumanap dati.

Nasaan na nga ba si Marimar ngayon? Sa kanyang social media account partikular na sa Instagram, makikita ang updates sa aktres.

Maganda pa din si Thalia at walang kupas ang tila dalaga pa din niyang itsura.

Sa katunayan, marami ang humanga lalo nang mag diwang ng kanyang 50th birthday si Marimar noong Agosto ngayong taon.

Sa Instagram, nag post ng ilang larawan ang aktres na kuha sa kanyang 50th birthday party. Tila naging debut celebration lang ito ni Thalia.

Nakasuot pa ng swimsuit si Marimar na lalong nagpakita ng walang pagbabago sa kanyang katawan.

Tunay ngang walang kupas ang ganda ni Thalia!

The post Marimar Star na si Thalia pinatunayan muli ang kanyang walang kupas na ganda sa edad na singkwenta! appeared first on Pilipinas Trending.



Marimar Star na si Thalia pinatunayan muli ang kanyang walang kupas na ganda sa edad na singkwenta!
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment