Tila double celebration ang naganap sa pagdiriwang ng 28th birthday ng PBB Otso winner na si Yamyam Gucong.

Si William Gucong o mas nakilala natin bilang si Yamyam ng “Pinoy Big Brother: Otso” ay hinangaan ng marami sa atin. Dahil sa pagiging simple nito at mapagpakumbaba. Nagsilbi din siyang inspirasyon sa marami dahil na rin sa kaniyang buhay sa labas ng bahay ni Kuya.

Kamakailan nga lamang ay ibinahagi ni Yamyam na malapit na siyang ikasal sa kanyang nobya. Sa kanyang social media post dalawang buwan na ang nakakaraan. Ibinahagi niya ang litrato nila ng kanyang nobya na may hawak siyang singsing at nakaluhod sa harapan nito.

Ani Yamyam, “Alam kung immune kana sa mga surprises ko sayo dati at gusto kung maiba naman kaya dinala kita mismo sa store kung saan tatanungin kita ng “papayag kaba na maging asawa ko?”

At kagabi lamang December 8, isang video ang ibinahagi ni Yamyam. Kung saan makikitang ipinagdiriwang niya ang kanyang 28th birthday.

Sa nasabing video ay nagsasayaw si Yamyam na tila hinihila niya palapit sa kanya ang kanyang fiancé.

Ngunit ikinabigla pero ikinatuwa ng maraming netizens ng sa paglitaw ng kanyang nobya sa video ay buntis na pala ito.

Marami naman sa mga fans and supporters ni Yamyam ang nag-congratulate sa kanilang magkasintahan.

Binati siya ng Happy Birthday at ang upcoming baby daw nila ang pinakmagandang regalo para sa kanya.

The post Yamyam Gucong ipinagdiwang ang kanyang 28th birthday kasabay ng pag-anunsyo na magiging tatay na siya appeared first on Pilipinas Trending.



Yamyam Gucong ipinagdiwang ang kanyang 28th birthday kasabay ng pag-anunsyo na magiging tatay na siya
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment