Umugong na naman ang balita na buntis diumano si Yen Santos dahil sa kumakalat na larawan nila ni Paolo Contis.

Hindi na nga tinantanan ng kontrobersiya sina Yen at Paolo. Ito ay magmula nang makita silang laging magkasama.

At itinuturong dahilan din kung bakit naghiwalay noon sina Paolo at dating partner na si LJ Reyes. Nag-umpisa ang pagiging malapit nina Paolo at Yen ng magsama sila sa pelikulang ‘A Faraway Land’

Makatapos ng nasabing pelikula ay lumabas na ang balitang nagkakalabuan na sina LJ at Paolo. Mas lalo pang tumindi ang haka-haka ng marami na si Yen ang dahilan ng mamataan na nagpunta sila ni Paolo sa Baguio.

At simula noon ay marami pang events na nakitang sweet silang magkasama. Ngunit magpasa hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa kung ano na ang kanilang estado.

Ang tangi lamang na inilabas na pahayag ni Paolo noon ay magkasama lamang daw sila ni Yen ‘as a friend’

Hanggang sa may lumabas na ngang isyu na buntis diumano ang aktres dahil sa biglaang pagdagdag ng timbang nito.

At kamakailan lamang ay isang litrato nila ang nakuhaan na tila nasa airport sila papuntang Boracay.

Sa Facebook page na ‘ISYUS’ ay nakalathala ang nasabing larawan. Kung saan kapansin pansin na tila iba nga ang laki ng tiyan ni Yen.

Sa nasabing post ay hindi naman tinukoy kung nagdadalangtao na nga ba ang aktres. At baka busog lamang daw ng makuhaan ang nasabing larawan.

Kung saan makikitang nakasuot si Yen ng oversized polo longsleeves at maong short. Agaw atensyon nga naman ang tila umbok sa kanyang tummy.

Sa ngayon ay haka-haka lamang ng mga Marites ang nasabing isyu at wala namang kumpirmasyon mula sa dalawang artista.

The post Yen Santos pinaghihinalaang buntis dahil sa latest photo nila ni Paolo Contis na magkasama appeared first on Pilipinas Trending.



Yen Santos pinaghihinalaang buntis dahil sa latest photo nila ni Paolo Contis na magkasama
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment