Lubos ang pasasalamat ni Ynez Veneracion kay Toto Mangudadatu ang kanyang dating partner at ama ng kanyang panganay.
Sina Ynez at Toto ay naging magkasintahan noon at nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang supling. Si Princess Keilah del Rosario na ngayon ay sampung taon na.

Kahapon, December 27, ay malaki ang pasasalamat ni Ynez para sa dating partner. Dahil hindi pa rin ito nakakalimot sa obligasyon nito bilang ama sa kanilang anak.

Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Ynez ang lunch date ng mag-ama kasama siya. Ito aniya ang naging bonding nila this Holiday season.

Saad ni Ynez, “Had lunch at Greenbelt 3 with her papa Toto. Thank you for spending time with us & also for being such a good father to Keilah.

“She missed you so much & was so happy to see you. Until next time. Stay safe & healthy gov. Allah bless you.”
View this post on Instagram
Makikita din sa kanyang Facebook post ang mga larawan ng masayang lunch date nilang tatlo. Kapansin pansin din ang saya sa mukha ni Keilah habang yakap yakap ang ama.
Taong 2010 nang napabalitang nagdi-date at nagkaroon ng relasyon si Ynez at ang noo’y Maguindano governor pang si Toto Mangudadatu.

Makalipas ang isang taon, noong 2011, isinilang ni Ynez ang anak nila ni Toto.

Sa ngayon ay may kanya-kanya na silang mga partner. Si Toto ay ikinasal na kay 2018 Miss Asia Pacific na si Sharifa Akeel.

Si Ynez naman ay may kinakasama na ngayon na non-showbiz at mayroon na din silang isang anak.
Gayunpaman, nanatili ang magandang samahan nina Ynez at Toto bilang magkaibigan. At co-parenting sa kanilang Princess Keilah.
The post Ynez Veneracion nagpasalamat sa oras na inilaan ng dating partner na si Toto Mangudadatu para sa kanilang mag-ina appeared first on Pilipinas Trending.
Ynez Veneracion nagpasalamat sa oras na inilaan ng dating partner na si Toto Mangudadatu para sa kanilang mag-ina
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment