Hindi pa din humaharap sa awtoridad si Enchong Dee kaya naman pinayuhan siya ni Cristy Fermin.

Lumabas na nga ang warrant of arrest para kay Enchong. Ito ay sa isinampang kaso sa kanya ni Claudine Bautista-Lim noong Agosto 2021.

Ayon sa ilang ulat ay hindi umano nadatnan si Enchong. Sa address na ibinigay niya sa mga awtoridad.

Kaya naman binigyan siya ng payo ni Cristy ukol dito. Wag na umano niyang paliitin ang kanyang mundo sa pagtatago.

“Ito ang pinakamagandang gagawin ni Enchong dito ang voluntary surrender,” payo ni Cristy na madalas daw noong makatanggap ng warrant of arrest.

“Hindi po pwedeng pagtaguan ito dahil lahat po ng sangay ng pulisya ay pinadadalhan [ng warrant of arrest],” dagdag ng veteran showbiz columnist.

Para rin kay Cristy, mukhang hindi naman nagtatago ang aktor at kasalukuyan lang “humahanap ng tiyempo” at humihingi ng payo sa kanyang legal team.

“Huwag mong paliitin ang mundo mo, magpiyansa ka,” payo ni Cristy kay Enchong.

Ang kasong nakahain kay Enchong ay may halagang 1 Billion pesos. Ito kasi ang iginiit ni Bautista.

Matapos umanong siraan siya ni Enchong sa publiko. Sa pagbibigay nito ng opinyon sa kanyang kasal noong nakaraang taon.

Humingi naman kagad ito ng sorry kay Bautista ngunit itinuloy parin ng mambabatas ang pagsasampa ng kaso.

Sa ngayon ay hindi pa din malaman kung nasaan nga ba ang aktor. At wala pa din itong ibinibigay na pahayag ukol sa kanyang kaso.

The post Enchong Dee pinayuhan ni Cristy Fermin na ‘wag paliitin ang kanyang mundo at sumuko na sa mga awtoridad appeared first on Pilipinas Trending.



Enchong Dee pinayuhan ni Cristy Fermin na ‘wag paliitin ang kanyang mundo at sumuko na sa mga awtoridad
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment