“Kapag utang, bait. Kapag singil, galit.”
Marami na sa atin ang nakaranas ng ganito. Pag dating sa usaping pera, hindi talaga madali kausap ang iba.
Ito ang naging paksa ni Herlene “Hipon Girl” Budol sa kanyang Instagram story.

Katulad ng marami, naranasan na din ni Hipon Girl na mautangan at magpautang. Pero mukhang hindi naging maganda ang kinalabasan nito.

Dahil sa pandemy4, marami pa rion ang pamilyang naghihikahos sa pinansyal kaya siguro si Herlene ay nautangan ng kanyang kakilala.

Naranasan niyo na din bang magpautang pero ang umutang ay parang galit pa kapag siningil? O ‘di kaya ay tila nakalimot na sa kanilang utang? Maraming klase talaga ang mga umuutang.

Isa na dito ang galit kapag sinisingil na ng inutang. Sa naging Instagram story ni Herlene, tila ito ang kanyang pinapahiwatig.

“Isa sa mga natutunan ko ayoko na mag pautang nakakahiyang maningil parang ending ikaw pa yung mali,” caption ng Kapuso host sa kanyang Instagram.

Hindi naman nagkwento o sinundan pa ng ibang pahayag ng co-host ni Willie Revillame kung sino ang tinutukoy niya o ang kabuuang istorya ng kanyang “pautang” serye.
View this post on Instagram
Mukhang hindi na magpapahiram ng pera si Herlene ngayong 2022. May kwentong utang ka din ba?
The post Herlene Budol nadala na din magpautang sa iba: “Parang ending ikaw pa yung mali” appeared first on Pilipinas Trending.
Herlene Budol nadala na din magpautang sa iba: “Parang ending ikaw pa yung mali”
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment