Maris racal, may malakasang sagot sa kanyang mga bodysh4mers!

Hindi na magpapadala sa mga negatibong komento tungkol sa kanyang pangangatawan ang aktres na si Maris Racal.

Ito ang malinaw sa naging virtual interview ng Kapamilya actress noong January 20, 2022. Sa nasabing interview, nabanggit ni Maris ang kanyang insecut1es noong gumagawa siya ng bagets role.

Pagbabahagi niya, “Ako, dati, hindi ko talaga gusto yung body ko kasi masyadong sobrang payat.

“And like, yun yung time na gusto ko nang mag-mature onti sa role and laging talagang nabibigay sa akin bata, ganyan.”

“Kasi ang liit ko. So yun yung insecur1ty ko, parang guso ko mag-gain.” Dito niya nabanggit ang mga komento ng bodysh4mers tungkol sa kanya.

“May mga comments din na, ‘Ano ba ito si Maris, masyadong payatot,’ parang, ‘hindi nakakaganda, hindi nakaka-fresh.’

“Or parang,… like, very low na word like, ‘Ang tuyot mo na.’ Alam mo yun?”

Sobrang naapektuhan daw ang self-confidence ni Maris noon dahil dito. Pero ngayong 2022, palaban na at dedma na sa bashers ang 24-year-old actress.

“[I’m like], ‘Get a life! Alam mo?’ Parang, ‘Hindi mo naman ito katawan e,'” mariin na sabi ng singer.

Naging mas confident na daw ang dalaga sa pangangatawan niya.
The post Maris Racal sa bashers na tumatawag sa kanyang ng payatot: “Get a life! Hindi mo naman ‘to katawan!” appeared first on Pilipinas Trending.
Maris Racal sa bashers na tumatawag sa kanyang ng payatot: “Get a life! Hindi mo naman ‘to katawan!”
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment