Maraming kalalakihan ang napa ‘Sana All’ na lang sa binatilyo sa Palawan na kilala sa ‘Ayas Baby Face’
Mabilis na nag-viral sa social media ang istorya ng nasabing binata na na-feature sa Kapuso Mo Jessica Soho.
Siay ay ang totoy sa Narra, Palawan na nakaapat na ng karelasyon. Dahil diumano sa kanyang pagiging baby face na nakilala ng programa bilang si Ralnhero Dacasin.

Maraming netizens ang sa una’y hindi natuwa sa istorya ni Ral. Naalarma umano sila dahil pabata na ng pabata ang pumapasok ngayon sa isang relasyon.

Kaya naman marami din ang naintriga sa tunay na kwento ni Ral. Sa interview sa kanya ng KMJS, napag-alaman na nasa hustong gulang na pala si Ral.

Inaakala lang na siya ay bata pa lamang dahil sa kanyang pisikal na kaanyuhan. Kung titignan kasi ay mukha talagang musmos pa lang si Ral.

Kung susumahin ay mukhang nasa eight to ten years old pa lang ang kanyang itsura. Pero lingid sa kaalaman ng marami ay 18 na pala siya at turning 19 na din this year.

“18 years old na po ako at mag-19 years old na po ako ngayong April 16,” pahayag ni Ral.

Nakaka-apat na din na nobya si Ral at ngayon nga ay in a relastionship ulit siya. Kaya maraming binata ang tila naiinggit ngayon sa kanya.

Pangalawa sa apat na magkakapatid si Ral, pero higit daw na mas matangkad sa kaniya ang bunso nilang kapatid.

Simula nang tumuntong siya sa ika-anim na taong gulang, tumigil na raw doon ang kaniyang paglaki at mabagal na nag-develop ang iba pang h0rm0nes sa kaniyang katawan.

Nang ipasuri ng KMJS si Ral, dito na napag-alaman ang kaniyang kondisyon. Ayon sa isang doktor na si Dr. Philip Banas, isang halimbawa ng “stunting” ang nangyari kay Ral.
The post Totoy sa Palawan na tinawag na ‘Baby Face’ apat na ang naging kasintahan sa murang edad appeared first on Pilipinas Trending.
Totoy sa Palawan na tinawag na ‘Baby Face’ apat na ang naging kasintahan sa murang edad
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment