Usap usapang muli ang post ni Xian Gaza patungkol pa din sa viral na 80-years old na si Lolo Narding.
Sa kanyang mga Facebook post, hindi maitago ni Xian ang kanyang pagkagalit sa naging sitwasyon ni Lolo Narding Floro. Na residente ng Asingan, Pangasinan dahil sa pagkakakuIong nito matapos pumitas ng mangga sa puno ng kanyang kapitbahay.

Sa nauna niyang post ay ipinahayag niya na tutulungan niya talaga si Lolo Narding.

Aniya, “Chill ka lang diyan, Lolo Narding. I gotchu”
Kasunod naman nito ay binantaan niya nagpakuIong kay Lolo Narding.

“Doon sa taong nagsampa ng kaso kay Lolo Narding nang dahil lamang sa iilang mangga na kanyang pinitas, hahanapin kita. Kumapit ka na. Ipapakilala kita sa buong Pilipinas,” saad ni Xian.
Ngunit bago pa makilala ni Xian ang nasabing nagreklamo kay Lolo ay sinabi nito na bibilhin niya ang lupang kinatitirikan ng punong mangga.

Aniya, “sino ba may-ari ng lupa na yan? Nasa abroad ba? Sa kanya nakapangalan? Ilang ektarya ba yan? Naka-SPA ka ba? Magkano per sqm? 100 pesos? 150?”

“Bilhin ko na lang para wala ng issue sa lintek na puno ng mangga na yan.”
Kinilala namang isang truck driver na si Robert Hong ang nagpakulong sa matanda.
Samantala, nagbigay na ng kanilang pahayag ang pamilya ni Hong. At sinabing paumanhin lang ang kanilang hinihintay noon para iatras ang reklamo.
Ngunit hindi daw nila nakitaan ng pagpapakumbaba si Lolo Narding.
The post Xian Gaza nais bilhin ang lupang kinatitirikan ng punong mangga sa viral na istorya ni Lolo Narding appeared first on Pilipinas Trending.
Xian Gaza nais bilhin ang lupang kinatitirikan ng punong mangga sa viral na istorya ni Lolo Narding
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment