Tila unti-unti ng isinasapubliko nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino ang itinatago nilang pagtitinginan na napansin ng mga netizens.

“From reel to real?”

Ito ang tanong ng ilang netizens matapos makita ang mga larawan nina Paulo at Janine. Na magkasama sa tila isang bakasyon sa Palawan.

 

Kasama din nila ang real-life couple na sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano, pati ang anak ni Cherry Pie na si Nio.

Nai-post ang picture ng kanilang grupo sa page ng tour boat na sinakyan nila sa kanilang island-hopping.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Techie Santos (@techiesantos7)

Maraming netizens ang natuwa sa kanilang nakita ngunit naging makahulugan din ang kanilang mga tanong kung may namamagitan na kina Paulo at Janine.

“Wow!!! Saya naman magkasama ang mag lovebirds,” saad ng isang netizen.

Hindi naman napigilan ng isang fan na magkaroon ng espekulasyon na maaaring nauwi na nga sa totohanan ang tambalan ng dalawa.

“Super happy lng talaga na nagkatotoo ang lahat,” komento pa ng isa pang netizen na kinikilig sa dalawa.

Sa isa pang larawan nina Janine at Paulo ay napansin din ng netizen na polo daw ng aktor ang suot ni Janine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Techie Santos (@techiesantos7)

Kaya naman mas lalo silang kinilig at nabuo na ang haka-haka. Na baka may relasyon na nga ang dalawang Kapamilya stars.

Co-stars sina Janine at Paulo sa nagwakas nang teleserye na Marry Me, Marry You. Kung saan din naging malapit sila sa isa’t-isa.

The post Janine Gutierrez at Paulo Avelino spotted na magkasama sa Palawan, namumuong relasyon diumano buking ng netizens! appeared first on Pilipinas Trending.



Janine Gutierrez at Paulo Avelino spotted na magkasama sa Palawan, namumuong relasyon diumano buking ng netizens!
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment