Kakaibang kahilingan ng isang bride sa kanyang groom sa kalagitnaan ng kanilang kasal ang viral ngayon sa social media.
View this post on Instagram
Maraming mga dating magkasintahan ang naghihiwalay pero hindi nagiging maayos ang pakikitungo sa isa’t-isa. Hindi na nagpapansinan na parang walang pinagsamahan.


Pero mayroon din namang nanatiling magkaibigan kahit pa natapos na ang kanilang relasyon.


At isang patunay nga dito ay ang viral story ng isang bride na kinilalang si Mayang Kumay.
View this post on Instagram
Sa gitna ng kasal ni Mayang, hiniling niya sa kanyang groom na mayakap ang kanyang ex-boyfriend sa huling pagkakataon.


Sakto namang naroon din sa kanyang kasal ang dating kasintahan. Ngunit tahimik lamang ito at hindi gumawa ng kahit anong eksena.
View this post on Instagram
Pumayag naman ang groom sa kakaibang kahilingan na ito ng kanyang magiging misis na sa araw na iyon.
View this post on Instagram
Lumapit ang ex-boyfriend Mayang at agad silang nagyakap ng mahigpit sa huling pagkakataon.

Matapos naman ng yakap na iyo ay lumapit ang ex-boyfriend sa groom at nakipagkamay dito. Ilang sandali ay nagyakap din sila bilang tanda ng pagrespeto sa isa’t-isa.
Panoorin dito ang viral video:
The post Sa kalagitnaan ng kasal, isang bride hiniling sa kanyang groom na mayakap ang kanyang ex-boyfriend appeared first on Pilipinas Trending.
Sa kalagitnaan ng kasal, isang bride hiniling sa kanyang groom na mayakap ang kanyang ex-boyfriend
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment