Napaluha na lamang si Vhong Navarro sa napakalaking tulong na ibinigay sa kanya noon ni Willie Revillame.

Ibinahagi ni Cristy Fermin kung bakit ganoon na lamang ang pasasalamat ni Vhong kay Willie. Nang batiin niya ito noong kaarawan nito kamakailan.

Saad ni Vhong sa kanyang pagbati, “May mga pagkakataon na nagbibigay ka ng tulong na kahit hindi hinihingi sayo at isa ako sa mga naka-experience nun. Kaya Kuya Wil, again, maraming salamat…”

Ayon kay Cristy na noong mabu6bo6 si Vhong sa elevator dahil sa insidente kaugnay ang isang babae ay isa si Willie sa mga unang tumulong sa kanya.

“Si Willie po ay nagpunta kay Vhong sa ospital. Nung makita niya yung kwarto ni Vhong, nag-isip siya, anliit-liit ika niya ng kwarto ni Vhong pag nagpunta doon ang mga imbestigador, ang mga abogado at doktor,” pagbabahagi ni Cristy.

“So pinalipat niya si Vhong sa mas malaking kwarto. Tapos nung paalis na siya, nag-ipit siya ng tseke kay Vhong Navarro,” dagdag pa nito.

“Umiyak si Vhong. Hulaan mo magkano yung nasa tseke? 1 million pesos.”

“Ganu’n naman si Willie kapag talagang kailangan, nagbibigay siya. Napaluha si Vhong Navarro”

Hindi umano nakakalimutan ni Vhong ang napakalaking tulong na iyon na ibinigay ni Kuya Wil.

Kaya hanggang ngayon ay lubos ang pasasalamat nito sa Tv host comedian.

Panoorin dito ang nasabing episode:

The post Vhong Navarro naging emosyonal ng makatanggap ng isang milyon bilang tulong mula kay Willie Revillame appeared first on Pilipinas Trending.



Vhong Navarro naging emosyonal ng makatanggap ng isang milyon bilang tulong mula kay Willie Revillame
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment