Annulment na diumano ang susunod na hakbang ni Carla Abellana ayon sa source ni Cristy Fermin.

Ilang linggo na ngang usap-usapan ang hiwalayan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Ngunit hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula sa kanila tungkol sa isyu.

Matatandaan na noong Enero ng kasalukuyang taon unang lumabas ang balita na nagkakalabuan na sina Tom at Carla. Ito ay tatlong buwan lang ang nakalipas matapos silang ikasal.

Ang nagbigay ng pahayag ukol sa isyu ay ang ama ni Carla na si Rey PJ Abellana. Sinabi nito na hindi daw third party ang dahilan ng pagkasira ng relasyon ng anak at manugang.

Samantala, sa show ni Cristy Fermin na Cristy Ferminute ay ang mag-asawa ang kanyang naging topic muli. Aniya narinig niya daw sa kanyang source na annulment na ang nais ni Carla.

“At ngayon nga may napapabalita na namang annulment na si Carla daw ang magsusulong,” saad ng beteranang showbiz columnist.

“Ito ba ang problemang sinasabi niyong pupwede niyong ayusin, kaya niyong ayusin. Uwi na ito sa annulment, ano ‘to?” dagdag pa nito.

Panoorin ang kabuuan ng pahayag ni Cristy sa 22:49 mark ng video na ito:

The post Carla Abellana gusto na daw ng annulment ayon sa reliable source ni Cristy Fermin appeared first on Pilipinas Trending.



Carla Abellana gusto na daw ng annulment ayon sa reliable source ni Cristy Fermin
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment