Tuluyan na nga atang makakamit ni Jelai ang hustisya sa ginawa sa kaniya ng kaniyang ex-husband na si King Badger. Matapos ang ilang buwan ay tuluyan nang umakyat sa korte ang kasong isinampa ni Jelai sa kaniyang dating asawa.

Naging matunog ang naging tambalan ng youtube vlogger na si Jelai Andres at ng kaniyang ex-husband na si Jon Gutierrez o kilala bilang King Badger na siyang myembro at rapper ng hip-hop group na Ex-Battalion.

Ito ay hindi dahil sa maromantiko nilang pagsasama kundi sa mabigat na issue na kinakaharap nila.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay sinampahan ni Jelai Andres si King Badger ng kasong concubinage. Dahil ito sa nangyaring panloloko at pakikiapid ni Badger sa minor de edad pa lamang umano na babae.

“Ang kasal ay isang sakramento, wag nating gawing normal ang pakikiapid,” ang binitawang pahayag ni Jelai matapos magsampa ng kaso.

Ngayon ay nasa tamang edad na umano ang nasabing babae at isinama raw ni Jelai ito sa kaso.

At ngayon, tuluyan na ngang nakaabot sa korte ang kasong ito. Dahil nga sa kaso nitong Concubinage at Violence Against Women (And Children). Nitong nakaraang linggo lamang ay pumunta pa si King Badger sa Quezon City Regional Trial Court upang magpiyansa.

“Nawa’y maging isang leksyon ito sa mga may mister na pasaway at sa mga babaeng walang pakundangan makipag-relasyon sa mga lalaking alam naman nilang may asawa,” paalala niya.

Ilalabas din ang opisyal na pahayag ni King Badger ukol sa kaso at issue na ito.

The post Kasong Concubinage ni King Badger, napaakyat na ni Jelai Andres sa korte! appeared first on Pilipinas Trending.



Kasong Concubinage ni King Badger, napaakyat na ni Jelai Andres sa korte!
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment