Hindi umano basta basta mabubuntis ni Derek Ramsay ang misis na si Ellen Adarna dahil nagpakabit ng IUD ang aktres.

Ayon kay Cristy Fermin sa ‘Showbiz Now Na!’ si Derek mismo ang nagsabi na may IUD (Intra Uterine Device) ang asawa.

Apat na buwan na nga ang nakakalipas ng ikasal sina Derek at Ellen. Sa kasalukuyan sila ay nasa Africa para sa kanilang honeymoon.

Ngunit wala pa daw balak magkaroon ng anak ang mag-asawa, at ayon kay Cristy isa na din ang pagpapalagay ni Ellen ng IUD ang nakatulong para hindi agad magbuntis ang aktres.

Pero balak na daw nila itong ipatanggal sa susunod na taon dahil iyon daw ang napag-usapan nila na bubuo na sila ng sarili nilang supling.

Napatanong pa si Cristy kung ang IUD kaya ay pinalagay ni Ellen noong sila pa ni John Lloyd. O noong sila na ni Derek ang magkarelasyon.

Samantala, puring-puri din nila Cristy at ng kanyang kasamahan sa programang Showbiz Now Na! ang mag-asawa. Dahil sa pagiging responsableng mga magulang nga mga ito sa anak ni Ellen at John Lloyd Cruz na si Elias.

Kung tutuusin umano ay kayang-kaya nilang magkaroon ng maraming anak dahil sa antas ng kanilang pamumuhay.

“Pero bilib ako ah, napakaresponsable nilang magulang. Kasi bata pa si Elias, ayaw pa nilang masundan, eh kahit nga tatlong dosena kaya nilang mag-anak eh,” pahayag ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang usapan:

The post Kaya hindi pa nabubuntis ng mister na si Derek Ramsay, Ellen Adarna nagpalagay ng IUD! appeared first on Pilipinas Trending.



Kaya hindi pa nabubuntis ng mister na si Derek Ramsay, Ellen Adarna nagpalagay ng IUD!
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment