Inalmahan ng aktres na si Sunshine Cruz ang isang netizen na sinabihan siyang feeling teenager dahil sa kanyang outfit.

Sa kanyang social media post ay nagabahagi si Sunshine ng kanyang TikTok video. Kung saan nakasuot siya ng croptop na damit at high-waist na shorts habang nagsasayaw.

“I forgot to reshare this here. Taken a few week weeks ago. This is me after doing errands at home. Tiktok can also be a form of exercise sa mga mommies like me. Salamat sa aking mga anak for introducing me to tiktok,” saad ni Sunshine sa kanyang caption.

 

Umani ng libo-libong komento ang post ng aktres pero hindi pa rin talaga mawawala ang negatibong komento.

Isang netizen ang pumuna sa damit ni Sunshine at sinabing hindi raw ito naaangkop sa kanyang edad. Ani ng nasabing netizens, “Aywan. Katanda na, ang attire parang teenager.”

Diretsahan pero magalang pa din ang sagot dito ni Sunshine, aniya, wala umanong masama at mali sa pagsusuot ng trendy na damit.

“Kailangan po ba ang attire ko like yours para masabing tama ang suot? I don’t think may chart and attire according to age. Basta happy at confident go lang po! Walang bawal at masama,” sagot ng aktres.

Sa sumunod namang post ni Sunshine, pinaalalahanan niya ang mga kababaihan na magdamit ayon sa kanilang kagustuhan at ikasasaya.

The post Sunshine Cruz niresbakan ang netizen na tinawag siyang feeling teenager dahil sa kanyang kasuotan appeared first on Pilipinas Trending.



Sunshine Cruz niresbakan ang netizen na tinawag siyang feeling teenager dahil sa kanyang kasuotan
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment