Ipinagtanggol ni Ogie Diaz ang Queen of All Media na si Kris Aquino mula sa mga b4shers nito.

Sa Showbiz Update vlog ni Ogie, kasama sina Mama Loi at Tita Jegs. Isa sa kanilang pinag-usapan ay ang viral update ni Kris tungkol sa kanyang health condition.

Hanngang sa napunta ang kanilang pag-uusap sa mga b4shers ni Kris sa social media. Sa mga pumupuna umano sa itsura ngayon ni Kris na hindi naman nito ikinakahiya.

Ani Ogie, “Sinasabi ng iba na si Kris Aquino parang itsura ng bungo. E ganun ho talaga. Pag talagang bumabagsak yung immune system. Huwag na ho nating anuhin yun, itukso o ilait pa kay Kris. Pasalamat kayo hindi nangyari sainyo yan. Samantalang si Kris lahat ng kapasidad meron siya para tugunan yung kanyang karamdaman.”

“Paano pa kung magkaruon din kayo ng ganung karamdaman tapos wala kayong kapasidad para tugunan yung inyong sakit na yun. Kaya magpasalamat nalang kayo, kasabay nung pasasalamat yung pagdarasal natin kay Kris na sana malampasan niya lahat ng mga treatments at humaba pa ang buhay niya,” dagdag pa nito.

Hindi rin napigilan ni Ogie na supalpalin ang mga bumabatikos kay Kris at nagsasabing nagpapa-pansin na lamang daw ito.

“Kayo yung naghahanap ng atensyon kasi unang una binasa niyo, problema niyo yan. Kung hindi niyo binasa yan, e’di hindi kayo naapektuhan. Nag-comment pa, o ibig sabihin nilaanan niyo ng oras so kayo ang may kasalanan ang dami dami niyong oras tapos ang ending nabu-buwisit kayo.”

“Tsaka jusko unang una finallow niyo. Huwag niyong ifollow. Ngayon kung sasabihin niyo, hindi na-viral e… O e’di sana hindi niyo binasa…” gigil na saad ni Ogie.

The post Ogie Diaz sinupalpal ang mga patuloy na bumabatikos sa kalagayan ngayon ni Kris Aquino appeared first on Pilipinas Trending.



Ogie Diaz sinupalpal ang mga patuloy na bumabatikos sa kalagayan ngayon ni Kris Aquino
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment