Kinagiliwan na naman ng mga netizens ang masayang bonding ng pamilya Pacquiao.
Sa latest vlog ni Mary, makikita ang masaya at makulit na bonding ng kanilang pamilya. Nagkaroon kasi ng Question and Answer portion ang buong pamilya mula sa mga netizens.
Pero itong kay Mary ay kakaiba, kung ang ibang vloggers ay sila lang mismo sumasagot, sa kanya ay ang kanyang buong pamilya!
Ilan sa mga katanungan ay ang usual— favorite place, favorite food at mga hobbies nila.
Pero may isang katanungan na talagang nagpatawa ng malakas sa kanilang lahat.
May netizen kasi na nagtanong kung sino sa kanila ang madalas hindi maligo.
Mabilis naman ang sagot ng lahat at tinuturo si Michael at Jimuel. Nagtatalo na sila kung sino nga ba ang “tamad” maligo.
Habang sila ay nagtatalo kung sino sa dalawa, bigla naman nag salit si Jinkee at sinabi,
“Ang tahimik, ‘yun ang hindi naliligo,” saad ni Jinkee.
Bigla naman sila natawa ng malakas dahil ang People’s Champ mismo na si Manny ang kanina pa hindi umiimik kahit na nagtatalo na ang lahat.
Sa mas seryosong tanong naman, natanong din si Mary kung naniniwala ba siya sa law of attraction.
Sagot ng dalaga, “I do believe in the law of attraction. I actually watched a video about it, but I got really confused. The video got confusing a few minutes in.”
Naging mas kilala ang pamilya Pacquiao dahil sa sarili nilang mga galing at talento. Bawat isa sa kanila ay mayroon ng YouTube channel.
Marami ang natutuwa dahil mapagkumbaba pa din ang pamilya Pacquiao sa kabila ng kanilang natatamasa.
The post Pamilya Pacquiao, muling kinagiliwan ng mga netizens dahil sa kanilang QandA bonding! appeared first on Pilipinas Trending.
Pamilya Pacquiao, muling kinagiliwan ng mga netizens dahil sa kanilang QandA bonding!
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment