Aminado si Allan K na gusto niyang makilala ang diuamano’y anak niya na naninirahan sa Bohol.

Sa Christmas episode ng “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga,” diretsahang sinabi ng veteran comedian. Sa kauna-unahang pagkakataon na nagka-girlfriend siya noon na ang pangalan ay “Emma.”

Naibahagi ito ni Allan nang magpahula sa nasabing segment kung sino sa mga host. Ang nagkaroon ng girlfriend na ang pangalan ay Emma.

Kwento ni Allan naaalala daw niya na nakilala niya si Emma noong naging singer siya ng isang banda sa Bacolod. Noong mga panahon na iyon ay hindi pa daw lantad ang tunay niyang kasarian.

Kaya naman niligawan niya si Emma at nagkaroon sila ng relasyon para maitago ang tunay niyang pagkatao. Pero hindi naglaon ay nagkalayo din ang kanilang landas at hindi na nagkausap pang muli.

At lumipas ang mahabang panahon, may nakilala daw siyang isang psychic. At sinabi nito sa kanya na nakikita daw niya na mayroong anak si Allan mula sa kanyang nakaraan.

Isa lang daw ang naisip ni Allan na posibleng naanakan niya — si Emma. At kung totoo ngang  nagkaroon siya ng anak sa dating girlfriend na taga-Cebu, handa raw siyang panagutan ito kung mapatutunayan na siya talaga ang tatay.

Ayon sa “Eat Bulaga” host, matagal na niyang gustong magkaroon ng anak. Sa katunayan, naisip na raw niya noon ang mag-ampon.

Sabi pa ng komedyante, “What if kung totoo na may anak ako, ‘di ba? Siyempre dugo ko ‘yan.”

Sa huli ay nanawagan si Allan kay Emma na sana ay magkausap sila. At kung sakaling may anak nga sila ay handa siyang isailalim ito sa DNA testing.

The post Allan K ninanais na makilala ang kanyang anak umano na nakabase sa Bacolod appeared first on Pilipinas Trending.



Allan K ninanais na makilala ang kanyang anak umano na nakabase sa Bacolod
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment