May nakaraan pala itong si Kuya Kim Atienza at Viva Hot Babes member na si Andrea Del Rosario!

Naging bisita sa programang “Mars Pa More” ang dating Viva hot babes. Na sina Gwen Garci, Andrea Del Rosario, at Jennifer Lee.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)

At dito ay naging palaisipan sa mga viewers kung sino nga ba sa tatlo ang naka-date noon ni Kuya Kim. Pag-amin naman niya ito ay walang iba kundi si Andrea.

Bagaman isa sa mga host ng programa si Kuya Kim, siya ang naging sentro ng segment na “Tarantanong,” at tinanong kung totoo bang naging ka-date niya noon si Andrea.

Natatawang sumagot ng “Oo,” si Kuya Kim, sabay sabi na proud siyang naka-date noon si Andrea.

Biniro naman ng mga co-host na sina Camille Prats at Iya Villania si Andrea kung proud din ba ang aktres na naka-date noon si Kuya Kim.

Natatawa at pabirong sinabi ni Andrea na. “Sige na nga proud na rin ako.”

Pagbabahagi pa ni Kuya Kim ay inuwi niya daw noon sa kanyang nanay at tatay si Andrea para ipakilala.

“I’m proud to say na inuwi ko pa sa nanay at tatay ko ‘yan [Andrea], ipinakilala ko ‘yan sa pamilya ko,” pagbabahagi nito.

“Getting to know the fambam,” dugtong naman ni Andrea, na nagsabi rin na nangampanya siya noon para kay Kuya Kim.

Pagkekwento pa ni Kuya Kim, nagkakilala daw sila ni Andrea nang magpark ito ng sasakyan sa harap ng kanilang bahay.

Ipinakilala sila sa isa’t-isa ng kanilang constant friend, at magmula noon ay naging magka-date na sila officially.

Hindi man lumalim ang kailang pagsasamahan noon, sinabi naman nina Kuya Kim at Andrea. Na nag-evolve ang kanilang samahan sa isang mabuting pagkakaibigan na nananatili pa rin hanggang ngayon.

The post Kim Atienza inamin na naka-date niya noon ang Viva Hot Babes member na si Andrea Del Rosario appeared first on Pilipinas Trending.



Kim Atienza inamin na naka-date niya noon ang Viva Hot Babes member na si Andrea Del Rosario
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment