Iba din talaga ang way ni Chavit Singson para mamigay ng limpak-limpak na pera sa kababayan niya sa Ilocos Sur!

Viral nga ngayon sa social media ang video ng controversial Filipino politician. Kung saan nagpaagaw siya ng pera gamit ang golden money 6un.

Ibinahagi ni Singson sa kanyang official Facebook page ang video ng pamumudmod niya ng mga pera, gamit ang golden 6un na bumubuga ng 100 at 500 pesos habang nagkakagulo, nagsisigawan, at halos magkandarapa sa pag-aagawan sa salapi ang mga residente ng bayan ng kanyang pinamumunuan.

Tila eksena daw sa isang action movie ang naganap ayon sa mga netizens. Kaibahan nga lamang ay pera ang inilalabas ng b4riI ni Chavit.

Umakyat pa nga sa sunroof si Chavit ng kanyang sasakyan na Hummer at saka hinila ang 6atilyo ng golden 6un.

Agad namang inulan ng samu’t-saring reaksyon ang ginawang ito ni Chavit. “Sana all.” “Sana ibigay nang maayos.” “Ginawang timawa ang mga tao.” “Panis si Pacquiao.”

Iyan ang ilan sa mga komento ng netizens. May ilan pang bumatikos kay Chavit dahil sa pamamaraan niya ng pamimigay ng pera.

Ngunit para sa mga kaalyado ni Singson, hindi dapat batikusin ang pamimigay niya ng pera dahil katuwaan lamang ang lahat. Nais lamang umano ni Singson na pasayahin sa panahon ng Kapaskuhan ang kanyang mga kababayan sa pamamagitan ng pagpapaulan ng pera.

Nangyari ang pagpapaulan niya ng pera sa araw ng Niños Inocentes o Feast of the Holy Innocents na ginugunita tuwing December 28.

Panoorin dito ang nasabing video:

The post Chavit Singson namudmod ng salapi sa kanilang lugar sa Ilocos Sur gamit ang gold money 6un appeared first on Pilipinas Trending.



Chavit Singson namudmod ng salapi sa kanilang lugar sa Ilocos Sur gamit ang gold money 6un
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment