Aminado si Dennis Padilla na unti-unti niyang inaayos ang nasirang relasyon niya sa mga anak kay Marjorie Barretto.
Sa naging media-con ng pelikulang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie! O Sige!. Ibinahagi ni Dennis ang pagsisimula nilang muli ng panganay kay Marjorie na si Julia.

Pagsisimula na ayusin at buuin muli ang nasira nilang relasyon noon bilang mag-ama.

Ani Dennis, “Okay naman. Although siyempre parang kang nagsisimula ulit. So galing kami sa misunderstanding so now nagsisimula pa lang kami. So one step at a time, building it up again. Kailangan lang talagang open yung communication para lahat ng nararamdaman mo nasasabi mo na kagad, hindi mo napupuno. So ganun din sa side nila, kailangan naka-open yung communication at tuluy-tuloy para meron kayong magandaang napag-uusapan, may magandang napupuntahan yung mga topics ninyo.”

Samantala, nagbigay babala din si Dennis sa mga nagbabalak na s4ktan ang kanyang anak. Lalo na ngayon na kontrobersyal pa din ang relasyon nito sa nobyong si Gerald Anderson.

“Kapag niloko emotionally, eh ganu’n talaga ang buhay sa tingin ko. Basta huwag lang sasaktan. Dahil kapag sinaktan nila yung mga anak ko physically ah, physically din ang igaganti ko.

“Sigurado yun. Hindi na ako comedian nu’n, action star na ako,” ang biro ni Dennis na may bahid din ng pagkaseryoso.

Samantala, payag naman daw si Dennis kung papasukin din ng iba pa niyang anak ang showbiz tulad nina Julia and Claudia.

Inamin din ng komedyante na hindi pa niya nakakasama ang mga anak kay Marjorie ngayong holiday season dahil pare-pareho raw silang busy.
The post Dennis Padilla ibinahagi na nagsisimula silang ulit ng anak na si Julia Barretto na pagandahin ang kanilang relasyon appeared first on Pilipinas Trending.
Dennis Padilla ibinahagi na nagsisimula silang ulit ng anak na si Julia Barretto na pagandahin ang kanilang relasyon
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment