Natupad na ang pangako ng aktor na si Edgar Allan Guzman sa kanyang pinakamamahal na Mama Sarrie.
Halos limang taon na pinag-ipunan diumano ni Edgar ang dream house na ito ng kanyang ina. Inuna daw talaga ni Edgar na pagipunan ito. Bago ang kasal nila ng nobya niya ng pitong taon na si Shaira Diaz.

Base sa report ng Bandera, ibinahagi ni Edgar na nais niya talagang patayuan ng bahay ang kanyang ina noong nakaraang taon.

“Pangarap kong patayuan this year (2020) kasi ayokong mag-loan sa bangko, gusto ko galing sa sarili kong bulsa. Kaya nag-iipon pa kaya medyo na-delay ng konti. Gusto ko kapag itinayo ko may matitira pa rin sa akin kahit paano, ayoko ng all out,” pagbabahagi ng aktor.

At after 5 years nga ay natupad na din ang pangarap na ito ni Edgar. Ito ang kanyang masyang ibinahagi sa kanyang Instgaram post kamakailan.

Saad niya sa kanyang caption, “About last night. Priceless moment of my life. This is for you! Merry Christmas,Ma! Enjoy our new house, AKO NAMAN MA”
View this post on Instagram
Naging emosyonal naman ang reaksyon ni Mama Sarrie nang makita ang sorpresa ni Edgar. Maging ang aktor ay emosyonal na niyakap ang ina at agad na inilibot ito sa kanilang bagong tahanan.


Talaga nga namang priceless moment ang araw na iyon dahil kitang kita ang saya sa mukha ni Mama Sarrie. At gayundin ng kanilang buong pamilya.
It’s indeed a Merry Christmas for Guzman Family!
The post Edgar Allan Guzman bagong bahay ang naging Christmas gift para sa kanyang pinakamamahal na ina appeared first on Pilipinas Trending.
Edgar Allan Guzman bagong bahay ang naging Christmas gift para sa kanyang pinakamamahal na ina
Source: Pinoy Hokage
(@ea_guzman)
0 comments :
Post a Comment