Noong nagdaang Kapaskuhan, panibagong motorsiklo na namang muli ang iniregalo ni Kiray Celis sa kanyang kuya.
The essence of Christmas is by giving one another a gift. At ito nga ang ginawa ng Kapuso comedian na si Kiray.
Matapos niyang regaluhan ng mga mamahaling alahas ang kanyang mga magulang. Isang brand new motorcycle muli ang para naman sa kanyang nakatatandang kapatid.

Ito ang ibinahagi ni Kiray sa kanyang Instagram post kamakailan. Aniya ang motorsiklo raw na ito ay talagang ipinangako niya sa kaniyang kuya, kaya naman masaya raw siya na maibigay niya ito ngayong Pasko.

Saad ng aktres sa kanyang caption, “3 months ago, binilhan ko siya ng honda click. Pero sabi ko sayo pag nakaipon nako ulit, papalitan natin agad ng mas maganda at yung gusto mo na talaga.”

Dagdag pa niya,”Merry merry christmas sa kuya kong pogi. sarap talaga ng pasko mo. Ako, EGUL! HAHAHAHAHAHA!.”
View this post on Instagram
Matatandaan na sa post niya din noon sa kanyang social media accounts. Ibinahagi ni Kiray na sinorpresa niya ang kanyang kuya habang nasa trabaho ito.

Aniya, “Isa sa pinaka masipag, pinaka pogi, pinaka mabait na Construction worker ang kuya ko! Kaya, panuorin niyo po sa latest vlog ko kung paano kopo siya sinurpresa ng brandnew at dream niyang motor!”
View this post on Instagram
Construction worker ang kapatid ni Kiray at buong pagmamalaki niyang inilahad na super proud siya sa kasipagan nito sa pagtatrabaho.
View this post on Instagram
The post Kiray Celis bagong motorsiklo ulit ang sorpresa sa kanyang kuya bilang Christmas gift appeared first on Pilipinas Trending.
Kiray Celis bagong motorsiklo ulit ang sorpresa sa kanyang kuya bilang Christmas gift
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment