Kabaliktaran daw ang natanggap ni Ellen Adarna mula sa kanyang hiniling.
Sinusulit ng bagong kasal na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay ang kanilang bawat sandali bilang mag-asawa.

Matapos ang naging enggrandeng kasalan nila noong November, lalo pang sumaya ang pagsasama ng dalawa.

Makikita sa kanilang social media posts ang ilang kaganapan sa buhay mag-asawa.

Pero tila may pag-aalangan pa ang aktres sa lalaking kanyang pinakasalan.
View this post on Instagram
Sa kanyang Instagram, nag bahagi si Ellen ng kanyang saloobin tungkol sa mister.

Pagbibiro nito sa kanyang caption, “I asked the universe specifically for a 40(above single good looking, stable, fun man) assuming 40’s up are mature.”

Pero naging kabaliktaran daw ito. Hirit niya, “I got a 40GOR immature.”

Nasabi ito ni Ellen dahil sa ginawang prank sa kanya ni Derek.

Sa Instagram story ng hunk actor, makikitang nananahimik na nakaupo si Ellen sa tabi ng kanilang koi pond.

Maririnig ang boses ni Derek na sinasabing wag gumalaw si Ellen at bigla niya itong ginulat.

Mahilg na magbiruan at mag prank sa isa’t-isa ang dalawa bago pa sila magpakasal. Kaya hindi nakakapagtaka na match na match talaga sila.

Marami naman sa kanilang fans ang natutuwang makita na masaya sina Ellen at Derek sa isa’t-isa.
The post Ellen Adarna inaming kabaliktaran daw ang katangian ng asawa na kanyang natanggap mula sa kanyang hiniling appeared first on Pilipinas Trending.
Ellen Adarna inaming kabaliktaran daw ang katangian ng asawa na kanyang natanggap mula sa kanyang hiniling
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment