Magpapasko na naman at karamihan ay abala na sa paghahanda para sa pinaka aabangan taon-taon.

Ang mga Pinoy ay likas na mapagbigay at naglalaan talaga ng pera at oras tuwing sasapit ang kapaskuhan. Pag pasok pa lang ng Oktubre, makikita na ang mga makukulay na Christmas lights at nagbobonggahang decors.

Bukod sa mga pang malakasang noche buena, isa din sa pinaghahandaan ay ang mga regalo at pamasko para sa mga inaanak.

Karamihan sa mga ninong at ninang ay nagpapaabot ng aguinaldo o regalo para sa kanilang mga inaanak.

Pero hindi maiiwasan ang mga kumare o kumpare na halos pilitin ang ninong at ninang ng kanilang mga anak na mag bigay ng pera.

Katulad na lamang ng isang ninang na ito na hindi na napigilan ang sarili at naglabas ng pagka dismaya sa isang nanay ng kanyang inaanak.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ng netizen na si Dyanne Jordan Montiero ang naging pag-uusap nila ng kanyang kumare.

Nag post si Dyanne ng mga screenshots kung saan mababasa ang naging conversation nila ng kanyang kumare.

Hindi maitatanggi na parang namimilit na magpadala ng pera ang nasabing kumare kay Dyanne para daw sa kanyang inaanak.

Kaya naman hindi na napigilan ni Dyanne na mainis sa kanyang kumare.

Aniya, hindi naman daw siya madamot sa mga inaanak at naglalaan daw siya ng mga pang regalo. Pero wag naman daw sana sapilitan na mag bigay ng pera.

“Hindi po ako bangko,” giit pa niya.

May ganitong kumare ka din ba?

The post Pamasko Serye: Ninang nainis sa kumare na pinipilit siyang padalhan ng pera ang inaanak appeared first on Pilipinas Trending.



Pamasko Serye: Ninang nainis sa kumare na pinipilit siyang padalhan ng pera ang inaanak
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment