Isang Grab driver na may T0urette Syndr0me ang nahandugan ng maagang pamasko ni Karen Davila.

Sa latest video ni Karen sa kanyang YouTube channel ay nakapanayam niya si Marlon Fuentes. Ang masipag na driver na hindi alintana ang kanyang kapansanan at patuloy pa din sa paghahanap buhay.

Sa kanilang pag-uusap ay emosyonal na ibinahagi ni Marlon ang hirap na kanyang pinagdadaaanan. Lalo na noong nag-uumpisa pa lamang siya maghanap ng trabaho.

Hindi maiiwasan na nakukutya siya dahil sa kanyang kalagayan kaya naman hindi nito napigilan ang kanyang mga luha ng alalahanin ang mga panahon na iyon.

Ang pamamasada naman ng Grab taxi ay idinudokomento ni Marlon sa kanyang YouTube channel. Kung saan makikita ang iba’t ibang karanasan niya sa mga nagiging pasahero niya.

Pero sa tulong ni Karen ay naibsan ang kalungkutan ni Marlon. Dahil sa pamaskong handog ng broadcaster para sa kanya.

Binigyan ni Karen si Marlon at ang kanyang pamilya ng mga grocery items na magiging panimula niya para sa kanilang sari-sari store.

Binilhan din ni Karen ng baking tools ang misis ni Marlon na gustong maging baker. Kaya naman todo ang pasasalamat ng pamilya nito kay Karen.

Saad ni Marlon, “Maraming Salamat po Ms.Karen sa maagang pamasko po sa amin ng pamilya ko, at sa puregold maraming maraming salamat din po tunay po na purong ginto po ang inyong puso”

Sa huli ay namahagi din si Marlon sa kanyang mga kapitbahay ng biyayang natanggap niya.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang video:

The post Grab driver na may kapansanan nakatanggap ng pamaskong handog mula kay Karen Davila appeared first on Pilipinas Trending.



Grab driver na may kapansanan nakatanggap ng pamaskong handog mula kay Karen Davila
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment