Kinagigiliwan ngayon sa social media ang nakakatuwang post ni Isabelle Daza. Tungkol sa pagpunta nila sa France ng kanyang mga anak kasama si Yaya Luning.
Hindi kaila sa publiko kung gaano ka-close si Isabel sa kanilang kasambahay na si Yaya Luning. Gumawa pa nga noon ang TV host actress ng libro ipinangalan niya kay Yaya Luning.

Mula kasi pagkabata ay kasama na ni Isabel ang famous Yaya. Na siya ring nag-alaga sa aktres noong bata pa lamang siya.

Kasa-kasama din ng pamilya ni Isabelle si Yaya Luning sa mga out of the country travels nila. At kamakailan nga lamang ay muli kasama ni Isabelle at ng kanyang mga anak si Yaya Luning papunta ng France.

Marami naman ang naaliw sa pagdo-document ni Isabelle sa kaganapan habang sila ay nasa biyahe. Mula sa airport sa Pinas hanggang makarating na sila ng France.

Sa unang IG post ni Isabelle saad nito, “When my mom asks how we are doing at the airport.” Kalakip nito ay ang larawan kung saan siya ang may buhat ng mabibigat na bagahe.

Habang si Yaya Luning naman ay nakaupo lamang at kalong ang dalawang babies.

Aniya pa may kasama siyang senior citizen, toddler, at newborn baby. Pabirong sad pa ng aktres, “Actually it’s @yayaluning who pays me a monthly salary.”

Tuwang tuwa din ang mga netizens sa mga follow up updates ni Isabelle tungkol sa pinagkaka-abalahan ni Yaya Luning.

Nahiya daw siyang istorbohin si Yaya Luning na sitting pretty lamang sa loob ng eroplano habang siya ay aligaga sa pagaasikaso sa dalawa niyang anak.

Pati na din sa pagdating nila ng airport sa France ay nakakatuwa ang mga moments na ibinahagi ni Isabelle.
The post IG Stories ni Isabel tungkol sa travel ng kanyang pamilya kasama ang kanilang Yaya Luning kinagigiliwan ngayon ng netizens appeared first on Pilipinas Trending.
IG Stories ni Isabel tungkol sa travel ng kanyang pamilya kasama ang kanilang Yaya Luning kinagigiliwan ngayon ng netizens
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment