Ivana Alawi namigay muli ng mamahaling regalo!

Hindi talaga magpapatalo ang nag iisang Ivana Alawi pag dating sa pagbibigay para sa iba. Kilala ang vlogger bilang isa sa mga mapagbigay sa mga mahal niya sa buhay.

Noond nakaraan lamang, sinurpresa niya ng brand new iPhone 13 Pro Max ang kanyang kapatid na sina Hash Alawi at Mona Alawi maging ang kanilang ina.

Pero wala pang pasko ay hindi pa natatapos ang pagbibigay ng mga mamahaling regalo ni Ivana sa mga taong espesyal sa kanyang buhay.

Sa kanyang latest YouTube vlog, nagdiwang sila ng kaarawan ng kanyang half sister na si Amira kasabay na din ang kaarawan ng kanyang personal assistant na si KC.

Si Ivana pa mismo ang nag make up sa kanyang nakatatandang kapatid.

Walang alam ang dalawa sa surpresa na nakaplano na para sa kanila. Kumain sila ng lunch bilang simpleng celebration. Pero habang nagpapahinga, kinuha ni Ivana ang bongga din na flower bouquets para kila KC at Amira.

Bukod dito, may isa pang surpresa ang Kapamilya actress para sa kanila.

Dito na inabot ni Ivana ang mamahaling silver earrings sa kanyang personal assistant. Galing ito sa LVNA By Drake Dustin kung saan siya ang modelo. Binigyan niya ng tig isang pair si KC at Amira.

Hindi naman ito ang unang beses na nag bigay ng mamahaling regalo si Ivana sa kanyang mga kasama sa bahay. Binigyan niya na din ng iPhone noon ang kanyang video editor.

The post Ivana Alawi niregaluhan ang kanyang personal assistant ng mamahaling alahas para sa kaarawan nito appeared first on Pilipinas Trending.



Ivana Alawi niregaluhan ang kanyang personal assistant ng mamahaling alahas para sa kaarawan nito
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment