Sana all na lang ang masasabi ng mga Pinoy fans ng International singer na si Justin Bieber.
Hindi maitatanggi na malaki din ang fandom ni Justin Bieber dito sa Pilipinas. Maraming mga Pinoy fans ang nangangarap na makita siya sa personal kung magkaroon man siya ng concert dito sa bansa.

Si Justin ay unang sumikat noong 2010 sa kantang “Baby” na naging top hit noon globally. Sa tuwing mag rerelease ng bagong kanta si Justin, talagang maririnig ito ng pa ulit ulit mula sa mga Pinoy fans.

Kaya ganito na lang ang inggit ng mga fans ni Justin sa Pinoy na nagtatrabaho sa isang hotel sa Jeddah.

Noong December 5, isa si Justin sa mga nag perfrom sa ginanap na Formula 1 Saudi Arabia Grand Pix. Ito ay ang motor racing event na ginanap sa Jeddah.
Makikita ang isang maikling video ng pag dating nila Justin at Hailey sa hotel kung saan nag tatrabaho ang Pinoy na si Angelo Redila.

Sa kanyang Facebook, nag bahagi si Angelo ng mga larawan kung saan kasama niya ang International singer. Makikitang nakaakbay pa si Justin sa kanya.
Pabirong caption niya, “Tatanggi kapa ba pag si Hailey na magyaya ng picture. idol Justine bieber in the house”
Agad itong umani ng komento mula sa mga fans ni Justin at napa “sana all” na lang sila.
The post Pinoy na nagtatrabaho sa Jeddah, nakapag picture kasama si Justin Bieber at Hailey Baldwin! appeared first on Pilipinas Trending.
Pinoy na nagtatrabaho sa Jeddah, nakapag picture kasama si Justin Bieber at Hailey Baldwin!
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment