Karen Davila, binisita si Awra Briguela sa kanyang bagong bahay.
Sa latest vlog ng newscaster na si Karen Davila, nagkaroon siya ng pagkakataon na ma-house tour ang bagong bahay ni Awra.
Espesyal ito dahil ito ang isa sa mga katapuran ng pangarap ng froemr child star para sa kanyang family. Mula sa kanyang mga pagsisikap, napagawan na niya ng sarili at magarang bahay ang kanyang tatay at mga kapatid.

Sa nasabing vlog, nilibot ni Awra si Karen sa kanilang tahanan. Masasabi na malaki ang naipundar niya dito dahil bukod sa magandang bahay, magaganda din ang mga kagamitan at dekorasyon sa loob.

Mayroong foyer, waiting area, powder room at living room sa unang palapag. Malaki din ang kanilang kitchen at dining area.

Habang sila ay lumilibot sa bahay, nagbahagi naman si Awra ng kanyang mga humble beginnings. Nabanggit niya na noong elementary student siya, hindi niya daw ginagastos ang kanyang baon para magkaroon ng maliit na puhunan.

“Ganoon po kami before, sariling sikap ang money namin,” pagbabahagi niya.

Nang mabanggit ni Awra ang kanyang future plans, napahanga niya si Karen. Nakita ng broadcaster kung paano magsikap si Awra para sa kanyang pamilya.

“Very good, alam mo ang challenge kasi sa mga artista at mga sikat, alam niyo ba kung paano palaguin ang pera ninyo,” sabi ni Karen kay Awra.
Isa si Awra sa mga “rags to riches” na sumikat sa industriya ng showbiz.
The post Karen Davila hanga sa pagiging praktikal sa pera ni Awra Briguela sa murang edad nito appeared first on Pilipinas Trending.
Karen Davila hanga sa pagiging praktikal sa pera ni Awra Briguela sa murang edad nito
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment