TJ Valderrama, wala na nga bang uuwiang girlfriend?
Tuluyan nang lumabas ng Pinoy Big Brother house ang housemate na si TJ Valderrama kahapon, December 5. Si TJ ang ikatlong housemate na natanggal mula sa bahay ni Kuya.
Naging kontrobersyal ang ngayong ex-housemate na ni Kuya noong mga nagdaang linggo. Marami kasi ang nakapansin sa pagiging “touchy” daw nito sa kapwa housemate na si Shanaia Gomez.

Lumikha ng malaking ingay sa social media ang issue at maraming netizens ang gusto na siyang lumabas ng bahay.

Kaya noong naging nominado si TJ, marami ang nakasigurado na siya na nga ang lalabas sa bahay ni Kuya. Pero tila hindi lang sa Big Brother house ma-eev1ct ang huli.
Ang tagal ng oras! Pagod na ko mag antay.
pic.twitter.com/XY5tpcizC5
— Cherry Malaya (@CherryMalaya) December 5, 2021
Sa outside world, ang kanyang girlfriend na si Cherry Malaya ay tila suportado din na matapos agad ang kanyang PBB journey dahil sa naging pagkilos nito sa loob ng bahay.

Sa katunayan, maraming posts sa social media si Cherry tungkol sa kanyang nobyo. Malalim at tila may mensahe ang mga Twitter posts ng nobya ni TJ.

Sasakay ka ba sa bangkang may butas? Sana respetuhin nyo ang desisyon ko kase buhay ko naman to. I will always choose the right things for myself whichever that may be.
— Cherry Malaya (@CherryMalaya) December 5, 2021
“Ang tagal ng oras! Pagod na ko mag antay,” caption nito sa kanyang picture kahapon bago ianunsyo ang ev1ctee.

Sumunod na Tweet nito na tila malalim ang kahulugan, “Sasakay ka ba sa bangkang may butas? Sana respetuhin nyo ang desisyon ko kase buhay ko naman to. I will always choose the right things for myself whichever that may be.”

May post pa siya na may mangyayaring “second ev1ction” para kay TJ.
The post Girlfriend ni TJ Valderrama na si Cherry Malaya gusto na nga ba makipaghiwalay? appeared first on Pilipinas Trending.
Girlfriend ni TJ Valderrama na si Cherry Malaya gusto na nga ba makipaghiwalay?
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment