Marian Rivera may buwelta sa kanyang mga bashers.

Nalalapit na ang pinakaaabangan ng lahat na Miss Universe 2021. Gaganapin ito sa Israel sa darating na December 13.

Isa sa mga hurado ay ang Kapuso actress na si Marian Rivera. Isang karangalan din ito na may Pinay na nakahilera sa opisyal na mga hurado.

Sa kabilang banda, hindi maiiwasan na may mang at may negatibong komento tungkol dito.

Komento ng iba, hindi daw “qualified” maging judge si Marian para sa ganitong International pageant.

Kaya naman ang Kapuso star hindi na napigilan mag salita tungkol dito.

“Aaminin ko hindi naman talaga English ang first language ko kung hindi Filipino at kinuha pa rin nila ako— siguro hindi lang dahil doon— kung hindi dahil sa aking body of work bilang isang Filipina,” aniya.

Dagdag pa ni Marian, hindi lang daw basta “judge” ang kanyang gagawin. Masasaksihan din daw niya ang kagandahan ng mga kandidata.

“Yung salitang “judge” ay description lang siguro ‘yan ng gagawin ko doon pero ang pananaw ko kasi dyan ay nandoon ako para i-appreciate at maging saksi sa kagandahan ng mga babae sa buong mundo at katapangan nila na ibalik ang humanity sa gitna ng radikal na pagbabago na ibinigay ng pandemy4.”

Samantala, irerepresenta ni Beatrice Luigi Gomez ang ating bansa sa most prestigious pageant na ito.

The post Marian Rivera may buwelta sa bashers na kinuwestiyon ang pagiging judge sa darating na Miss Universe appeared first on Pilipinas Trending.



Marian Rivera may buwelta sa bashers na kinuwestiyon ang pagiging judge sa darating na Miss Universe
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment