Love Wins! Umamin na ang OPM Singer na si Sheryn Regis sa tunay na estado ng reIasyon nila ni Mel de Guia.

Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan ang ugnayan nina Sheryn at ng YouTuber na si Mel de Guia. Ito ay nang kumalat sa social media ang kanilang sweet na sweet na mga TikTok video.

Napakaraming likes at heart reactions naman ang agad na natanggap ng kanilang mga larawan at videos.

At ilang araw nga lamang ang lumipas ay kinumpirma na din ni Sheryn ang reIasyon nila ni Mel. Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ni Sheryn ang litrato kung saan karga siya ni Mel.

Kita ang matamis na ngiti nila habang nakatingin sa isa’t isa. Simpleng “YES” na may heart emoji ang caption ni Sheryn.

Pero malinaw na ito ang sagot niya sa lahat ng nagtatanong sa estado ng reIasyon nila ni Mel.

Bukod dito, may ibinahagi rin si Sheryn sa kanyang TikTok account ng isa pang sweet photo nila ni Mel na magkadikit ang kanilang mukha. Kalakip nito ang ilang lyrics mula sa classic song na “One Hello.”

“FIRST YOU GOTTA LET THEM IN CUZ LOVE BEGINS WITH HELLO!” ang nakasulat sa isa niyang TikTok entry.

Sa panig ni Mel na isa ring negosyante, nag-post din ito ng sweet picture nila ng 42-year-old singer kung saan sila ay magkayakap.

Makikita naman sa comment section na nag-iwan ng mensahe si Ice Seguerra at sinabi nitong masaya siya para sa dalawa.

The post Sheryn Regis kinumpirma na ang reIasyon nila ni Mel De Guia, Ice Seguerra nagbigay ng reaksyon appeared first on Pilipinas Trending.



Sheryn Regis kinumpirma na ang reIasyon nila ni Mel De Guia, Ice Seguerra nagbigay ng reaksyon
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment