Proud na proud si Awra Briguela sa kanyang ama na nakapagtapos na ng kolehiyo dahil na rin sa kanyang tulong.

Marami ang humanga sa kwento ni Awra, kung saan siya mismo ang tumupad sa pangarap ng kanyang tatay. Na makapagtapos ito ng pag-aaral.

Sa kanyang guesting sa vlog ni Karen Davila, muling ibinahagi ni Awra ang saya na kanyang nadarama. Aniya biggest achievement umano para sa kanya ang mapagtapos sa pag-aaral ang kanyang papa.

Ang mga gastusin ay mula sa mga naipon niyang talent fee sa pag-aartista. Nakapagtapos sa kolehiyo ang tatay ni Awra na si Oneal Brian Briguela noong April, 2019.

Sa kanyang IG post pa nga noon ay makikita kung gaano ka-proud si Awra sa kanyang pinakamamahal na tatay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AWRA (@awrabriguela)

Sa interview sa kanya ni Karen, binalikan ni Awra ang tagpong yun sa bu’hay nilang mag-ama, “Nu’ng time po kasi na iyon, gustung-gusto talaga ni Papa nun ulit na bumalik sa pag-aaral.

“Kasi nga gusto niyang ipakita sa amin na kahit anong edad mo pa, puwede kang bumalik sa pag-aaral anytime.

“And gusto niyang patunayan sa amin na sobrang mahalaga talaga yung pag-aaral,” aniya pa.

Sa isang interview naman noong 2017, sinabi ni Oneal na ang kanyang anak ang nagpaaral sa kanya nang mawalan ito ng trabaho.

“Parang siya na po yung nagpapaaral sa akin. Baliktad na,” ani Oneal tungkol kay Awra.

“Simula lang po nung nawalan po ako ng trabaho ‘tapos nahiwaIay pa ako sa nanay niya, parang yun na lang naisip ko na magandang ipapakita sa mga anak ko,” sabi noon ni Oneal.

Panoorin dito ang kabuuan ng panayam ni Karen kay Awra:

The post Awra Briguela proud na napagtapos ang kanyang ama sa pag-aaral nito sa kolehiyo appeared first on Pilipinas Trending.



Awra Briguela proud na napagtapos ang kanyang ama sa pag-aaral nito sa kolehiyo
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment