Hindi makapaniwala ang young Kapamilya actress na si Andrea Brillantes sa mamahaling regalo sa kanya ni Dra. Vicki Belo.

Muling nakasama ni Dra. Belo si Andrea sa kanyang vlog sa YouTube. Sa post niya sa Instagram bilang teaser, tinawag niyang little helper ang aktres.

Aniya, “If may santa’s little helper, I have my little helper too @blythe ! And of course for helping me unbox dapat may prize”
View this post on Instagram
Sa nasabing vlog naman, naging katulong ni Dra. Belo si Andrea sa pag-unbox ng mga natanggap niyang luxury gifts noong kapaskuhan.

Sobrang excited naman si Andrea dahil aniya, hindi siya mahilig sa mga mamahaling items. Lalo na at siya ang breadwinner ng kanilang pamilya kaya hindi niya naiisipang bumili ng mga branded.

Kaya sa pagkakataon na iyon ay natuwa siya dahil kahit hindi sa kanya ang mga luxury gifts na binubuksan nila ay nakaka-excite daw sa pakiramdam.

Habang binubuksan naman nila ang mga regalo, binigyan ni Dra. Belo si Andrea ng Hermes lipstick. Tuwang tuwa naman ang dalaga, pagbabahagi pa nga niya ang paborito niyang brand ay Chanel at Dior.

Ngunit mas lalo pang natuwa si Andrea dahil sa hindi niya inaasahang sorpresa ni Dra. Belo. Sa pagtatapos kasi ng kanilang video, ang huling ina-unbox niyang bag ay para pala sa kanya.

“You like it?” tanong ni Dra. Vicki. “We bought this for you!”

Isang Lady Dior bag na color gray na nagkakahalaga ng mahigit P100 thousand ang bag na ibinigay ni Dra. Vicki Belo kay Andrea.

Shookt ang aktres sa regalong iyon at panay ang pasasalamat sa celebrity doctor.
The post Andrea Brillantes nasorpresa ng regaluhan ng mamahaling bag ni Dra. Vicki Belo appeared first on Pilipinas Trending.
Andrea Brillantes nasorpresa ng regaluhan ng mamahaling bag ni Dra. Vicki Belo
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment