Karina Bautista, proud na ibinahagi ang napundar niyang condominium unit!

Pagkatapos ng kanyang pagsali sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother, nagkaroon ng oportunidad si Karina sa industriya ng showbiz.

Bukod dito, pinasok din ng dalaga ang YouTube vlogging. Kaya naman ang kanyang pagtiyatiyaga ay unti-unti nang nasusuklian.

Patunay na dito ang kanyang sariling condominium unit na kanyang nabili. Sa katunayan, proud siyang nag “condo tour” na siya namang ibinahagi niya sa kanyang YouTube channel.

Ayon sa 18-year-old actress, mas malaki at mas maaliwalas daw ito kumpara sa una niyang natirhan na condo. Nandoon na lahat ng kailangan niya, sariling kusina, higaan, kainan at may space pa para sa kanyang working place.

Lingid sa kaalaman ng madami, may talento sa arts si Karina partikular na ang pagpipinta. Dahil nga siya ang “Miss Independent ng Isabela” ay pinagkakitaan niya ang kanyang talento.

Sa Instagram, makikita ang mga personalized paintings na gawa mismo ng dalaga. Kaya naman paborito niyang bahagi ng kanyang condo ay ang kanyang working space.
View this post on Instagram
Kaya naman sobrang proud sa kanya ang kanyang mga tagasuporta simula noong pumasok siya sa bahay ni Kuya.

Panuorin ang kanyang condo tour dito:
The post Former PBB Housemate na si Karina Bautista proud sa kanyang sariling condo unit! appeared first on Pilipinas Trending.
Former PBB Housemate na si Karina Bautista proud sa kanyang sariling condo unit!
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment