Masayang ipinakita ni Alexa Ilacad ang singsing na regalo sa kanya ni KD Estrada sa guesting nila sa ‘Asap Natin’To.’

Noong February 20, ginanap sa ‘Asap Natin’ To’ ang birthday celebration ni Alexa. Kung saan dinaluhan ito ng mga co-housemates niya sa PBB Season 10.

Isa sa mga naging highlights ay ang pagbibigay ni KD ng 5 facts tungkol sa birthday girl. Pero bago niya ito sabihin ay proud na ipinakilala niya sa madala ang ‘girlfriend’ daw niyang si Alexa.

Aniya, “Hey, what’s up everyone, it’s KD Estrada here and I’m about to give you five fab facts about the birthday girl–and my girlfriend, Alexa Ilacad.”

Matapos naman ng pagbabahagi ni KD ay hiningan naman ni Robi Domingo si Alexa ng mensahe para ay KD.

“KD, thank you. Happy ako na sa darating kong birthday, may bago akong tao sa buhay ko na talagang ginagawang happy hindi lang yung birthday ko, kundi every day,” saad ng aktres.

Hirit pa ni Robi, “One more thing na hindi sinabi ni KD, may pasingsing daw?”

Kaya naman nahihiyang na tila kinikilig na itinaas ni Alexa ang kanyang kamay. Para ipakita ang promise ring na bigay sa kanya ni KD.

Kung titignan ding maigi ang mga kamay ng binata ay makikita din ang parehong singsing na suot nito.

Matatandaan sa kanyang mga nakaraang panayam, sinabi ni KD na itinuturing niyang blessing ang pagdating ni Alexa sa kanyang buhay.

“We just gave genuine and pure and unconditional love to each other and I’m always thankful for that. Si Alexa talaga is top of my blessings this year.”

 

The post Alexa Ilacad, proud na ipinakita ang promise ring na regalo sa kanya ni KD Estrada sa kanyang kaarawan appeared first on Pilipinas Trending.



Alexa Ilacad, proud na ipinakita ang promise ring na regalo sa kanya ni KD Estrada sa kanyang kaarawan
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment