Kinikilig sa tuwa si Herlene ‘Hipon Girl’ Budol nang ibahagi ang larawan nila ng aktor na si John Lloyd Cruz.

Marami nga ang napa-sana all sa post kamakailan ni Herlene. Dahil hindi lang yakap kundi nahalikan pa niya si Lloydie.
Sa kanyang social media post dalawang larawan ang ibinahagi ni Herlene. Kung saan makikita na tila iba na ang closeness nila ni John Lloyd.

Aniya sa caption, “POPOY!! Johnloyd ko pinapanood Lang kita dati ngayon yakap at nakissan na kita.”
Dahil dito kinainggitan si Herlene ng mga netizen lalong lalo na ng mga kababaihan na mga fans din ni John Lloyd.

“Hipon lang ang sakalam,” comment ng isa.
“May nanalo nanaman hay nako,” saad pa ng isang netizen.
“Hoi, kainggit oi, loveyou po,” hirit naman ng isa pa.

Pati ang ilang Kapuso stars ay nagbigay din ng kani-kanilang reaksyon sa post na iyon ni Herlene.

Ani nga ni Ashley Rivera, “Iba din!!!! [laughing emoji].”
“Hahahaha cute cute mo!” saad naman Valeen Montenegro.

Three heart emojis naman ang naging komento ni Maxene Medina.

Katrabaho ngayon ni Herlene si John Lloyd sa sitcom nitong ‘Happy Together’. Ito ang unang palabas na pinagbidahan ng aktor sa Kapuso Network matapos niyang mamahinga ng ilang taon sa showbiz.
The post May nanalo na! Herlene ‘Hipon Girl’ Budol nahalikan at nayakap ang idol niyang si John Lloyd Cruz appeared first on Pilipinas Trending.
May nanalo na! Herlene ‘Hipon Girl’ Budol nahalikan at nayakap ang idol niyang si John Lloyd Cruz
Source: Pinoy Hokage

0 comments :
Post a Comment