Kilalanin dito ang maganda at matalinong  anak ni Karla Estrada na si Magui Ford Planas.

Hindi maipagkakaila na ang mga anak ni Karla Estrada ay may magagandang lahi. Patunay na nga dito ang Teen King na si Daniel Padilla.

Pero bukod kay Daniel, may kapatid din siyang ubod na ganda na si Magui. Una nang nag viral sa social media si Magui noong nag celebrate siya ng kanyang 18th Birthday na naging star studded.

Agaw pansin din kasi ang natural na kagandahan ng dalaga na kung papasukin din ang industriya ng showbiz ay tiyak na makakapantay din sa lebel ng kasikatan ng kanyang kuya Daniel.

Si Margaret “Magui” Ford Planas ay ipinanganak noong February 28, 2002. Ang kanyang ama ay si Mike Planas na dating asawa ni Karla.

Makikita sa kanyang social media partikular na sa Instagram ang nag gagandahang larawan ni Magui. Sa katunayan, mayroon na siyang mahigit 1 million followers. Sino nga ba ang hindi mabibighani sa kanyang kagandahan?

Pero bukod sa kanyang mukha, may maipagmamalaki pang ibang bagay si Magui at ito na nga ang pagiging matalino. Noong nakaraang taon, nakapagtapos si Magui ng Senior High School na may matataas na grado. Proud itong ibinahagi ni Karla sa Instagram noon.

Natanggap din siya sa prestigious university sa Australia na University of Melbourne kung saan siya nakatakdang mag-aral ng College.

Tunay ngang beauty and brain ang anak ni Karla na si Magui!

 

The post Kilalanin ang ‘beauty and brain’ na anak ni Karla Estrada na si Magui Ford Planas appeared first on Pilipinas Trending.



Kilalanin ang ‘beauty and brain’ na anak ni Karla Estrada na si Magui Ford Planas
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment